Tuesday, November 27, 2012
SMP
![]() |
Naka yellow v-neck na shirt??hmmmm.. |
Dahil nga magpapasko na,naalala ko nanaman ang peyborit kng t.v commercial dati ng nestea iced tea.Ito yung tungkol sa love story ni nicos at matina.Infact,nagkaroon ata ito ng trilogy,parang yung sa matrix,ganun to katindi bords.Para sa mga hindi nanonood ng commercial sa tv,e-kukuwento ko sa inyu ang nasabing patalastas-
Umuwe si nicos ng lulugo-lugo,(may hawak na 3roses)bumukas ang pintuan,tapos biglang tinanong sya ng nanay nya ng ganito “nicos?ohh bakit?(habang hawak ang nestea-iced tea pitcher),teka-teka”..(binuksan ang pitcher sa pamamagitan ng hinlalaki) tumunog ‘plak!”,tapos dahan dahang sinalin sa baso ang ice tea,”sige anak ibuhos mo lang” ang sabi ng nanay..biglang nagsalita si <nicos>“binasted ako ni Matina!tru text!!!!!(sadface with garalgal voice) sabi nya..you and I wer kindred spirits (in falsetto voice)…”biglang pasok ang <sister> nya “kindred spirits??”..<nanay>”anu yun??(soft voice) <nicos>”kunti nalang soulmaatess na yunnn (todo emote)..hmp,yung ilong naman nya..to the left-to the left…although ang smile nya..meron(super gay voice to the nth level)..”biglang nag-flash sa screen si matina with splash effect ng tubig..<nicos>pero ang puso nya(mellow)..wala!wala!wala syang puso!!!(habang hinahampas ang roses)..ito!(ang roses)pinag-ipunan ko pa sa maliit kng allowance(biglang tingin ni dady),but that’s another issue”..<sister>”wawa naman nicos hihihi”..<mommy>”cge nicos ibuhos mo pa”..(biglang pasok ng narrator sa t.v)..<nicos>”aaaah ayaw ko maging miyembro ng SMP,samahan ng malalamig ang pasko”…
-shit ang hirap e-kuwento pards,kahit si kuya borgy hindi ito e-kukuwento ng ganito eh.
Anung sinasabi sau ng commercial??...
1.)Kung nabasted ka,mas okey lumaklak ng ice tea kesa sa red horse at uu isagad mo hanggang sa maging amoy ice tea na din ang utot mo!
2.) Masyadong mataas ang mortality rate ng mga nababasted tuwing sasapit ang pasko(unahan kasi kaya ganun,peak season kumbaga)
3.) Hinahaluan ng tubig ang iced tea
4.) Wag kang manliligaw ng babae na ang pangalan matina,kasi gagawin kalang kindred spirit!"syet anu yun?!"puta wag akong tanungin nyu,may google pre!
5.) Wag magbibigay ng 3 rosas sa nililigawan tuwing sasapit ang pasko.Malas yan.Mababasted ka din.Trust me!Kung ayaw mo maniwala,manood uli ng commercial ng nestea sa youtube.Instead of giving of roses,try mo magbigay ng bigas tsaka corn beef.Masyado ng praktikal mga babae ngayon pre!Mas kinikilig na sila ngayon sa mga de lata at noodles.
Anung problema ko bilang tao??Bakit ko naisip bigyan ng rationale ang isang lumang tv commercial?Simple lang,natatakot kasi ako.Natatakot ako na baka gawin akong presidente ng SMP!!!!!Kaya utang na loob,bigyan nyu ako ng mayayakap ngayong pasko!
![]() |
Ayaw ko kuya kahit sabihin mo pang makinis ang singit mo!! |
Monday, November 26, 2012
ARMAGEDDON 2012 (the final countdown)
The Mayans predicted it,Nostradamus wrote about it and even Madam Auring knows about it.Yes the end of the world is about to happen,and apparently wala na taung magagawa dun.Markahan nyu na sa kalendaryo nyu kng meron man ang petsang December 21 taong kasalukuyan.So anu bang gagawin mo kng biglang may malaking asteroid na tatama sa mundo at makikita mo nalang ang mga kapitbahay mo na nagiging zombies at sumasayaw sa tugs-tugs ng gangnam style?Ma-iihi ka ba sa takot?Magdarasal?or Mag-papaparty 2012 like its the end of the world?Siguro naman lahat tau matatakot kng magkaroon man ng zombie apocalypse or kng totoo ngang mangyayari na ang Armageddon 25 days mula sa araw na to.Pero sa ngayon parang wala naman pumapansin sa issue na to (maliban sa akin),mas mainit pa rin na pinag-uusapan ang cyber crime law at love life ni Richard Gutierrez.Putsa ka talaga Richard hindi pa tayo tapos! Eh panu kng sabhin nating 80% accurate ang mga hula ni Madam Auring (uu sya ang living nostradamus sa ngayon!) tingin ko magiging busy ang buong mundo sa mga oras na to.Wala ng papasok sa mga opisina or even sa mga eskwelahan.Sounds Exciting?Ako balak kng magpa- "apocalypto party" at e-imbitahan ko ang bandang Europe habang pinapatugtog nila ang kantang 'The Final Countdown' ng paulit-ulit.Lahat pwedeng pumunta sa party ko pero kelangan may costume.Pasok sakin dyan ang Mayan Theme.Pwedeng mag suot ng parang sinaunang Egyptian at maglagay ng malaking kalendaryo sa ulo habang may hawak na torche.Swak din sakin ang Asteriod theme.Magdala lang ng malaking batong umaapoy or pwede na din yung naka-astronaut suits.At syempre mawawala ba naman ang alien theme sa party ko?Some believe kasi na magkakaroon ng alien invasion sa atin instead of asteroids.Pinturahan mo lang mukha mo ng green,yun mukha ka ng alien wannabe.Haay,kung ako talaga tatanungin nyu,ayaw ko pa talagang humantong tau sa ganito eh although for sure lahat naman tau darating sa ating katapusan,ang kamatayan.Bakit affected ako?Una wala pa akong love life ngayon dude.Kasi halimbawang tatama na ang isang napakalaking asteroid sa mundo in just one minute,tapos wala kang kayakap at kahalikan bago ka mamatay puta pre ang saklap nun!!Hahawakan mo nalang itlog mo for 10seconds?Tapos yun nalang yun?Pangalawa,hindi ko pa natutupad ang habilin sakin ng tatay ko.Sabi nya "yanyan,simple lang naman pangarap ko sau,maging matagumpay ka sa buhay at bigyan mo ako ng mesteza na apo".Sorry wala ng pangatlo suplado ako eh.Grabe pressure!Kaya nananawagan ako kina Ann Curtis,Kevin Balot este Bianka King at sa mga katulad nila,pagtulangan natin to habang maaga pa,wag nating biguin ang tatay ko plssss……
HOT CHIKS
![]() |
dude makaka-ilang round ka kaya kay momy d??lol.. |
May nauuso daw ngayong laro para sa mga kalalakihan.Minsan kasi pag nag-iinuman ang magbabarkada,dumarating sa point na wala na kayong mapag-usapan e.Yung tipong parang may umutot bigla sa tropa tapos biglang matatahimik ang lahat.Ito yung tinatawag nilang KFM.Hindi yan Kentucky Fried Manok ha.Ang basic mechanics ng laro eh pipili ka sa 3 babaing pinagpapantasyahan ng tropa nyu.Pwede yan kahit sinu.Magmula sa showbiz ,college friends hanggang sa mga ka opisina nyu.Pipili ka ng isang babae na ilalagay mo sa K for Kill,isa para sa F for Fuck, at ang isa para sa M for Marry then kelangan mo ding i-defend ang sagot mo syempre.Yung K (Kill) hindi naman ibig sabihin talagang papatayin mo,shunga ka ba,meaning sa 3 babae na pagpipilian,itong babaing to ang tatanggihan mo.Ipi-friendzone mo lang sya sa madaling sabi.Maaring magkulutan kayo ng kilay or maglaro kayo ng sungka magdamag,bahala kayo basta hanggang dun lang yun.Yung F (F uck) naman,ito yung babaing ikakama mo ng isang gabi,tandaan mo isang gabi lang,wala ng extra performance pa or 2nd date.Bawal kunin ang email tsaka address ng bahay.Parang literal na one night stand tapos pag najuntis yung babae eh bahala na sya.Ganun!And lastly,yung ilalagay mo sa M (Marry) ay yung tipo ng babae na gusto mong iharap sa altar at makasama for the next 40years ng buhay mo.Sounds exciting dba?!..Hindi?...Eh di hindi na tau friends (sadness).Pero kung Oo ang sagot mo?Sige itutuloy ko ang kwento ko.Dahil wala naman talaga akong kainuman ngayon,lalagyan nalang natin ng twist ang laro.Alam nyu ba ang laro ng mga mayayaman pag nalalasing na?Ito yung Russian Roulette. There is just one bullet into an empty chamber of a gun. You have to spin the revolver ,place the muzzle against your head and then pull the trigger!!Paikot yun pre,hindi pwedeng mag-pass or kaya didiskarte kang dyidyengel kunware.Pero putangina naman dba,sinu namang sira ulong gagawa neto??Kahit siguro yung pinaka tarantado sa lugar nyu maiihi pag ginawa to eh!Ang delikado pa nyan kng yung mga kalaro mo ay sina Ping Lacson,Chavit Singson,Edward Hagedorn tsaka Gen.Jovito Palparan.Meaning wala kang excuse para hindi laruin yun,meaning anu mang oras sa sandling yun paglalamayan ka,meaning pag tumanggi ka mas madali mong makikita si san pedro.So eto na nga ang eksena,kainuman mo silang apat.Dahil birthday mo,maglalaro daw kau ng KFM with a twist.To cut the long story short,pumunta na ang 3 chiks sa hangout place nyu.Dumating si Momy Dionisia na naka hermes bag sinundan ni Madam Auring na naka-gown tapos magugulat ka na nandun si Serena Williams habang may hawak na raketa.Ngayon,nakatutok sa ulo mo ang baril,buhay mo ang nakataya,sinu ang ilalagay mo sa K,sa F or M??!.......Syet ang hirap dba!Parang mas pipiliin ko pa yung baril pero ang kill joy mo naman kng magkataon.Dahil naiimagine ko na talagang totoo itong sinusulat ko,at ayaw kng barilin sa ulo tsaka ipakain sa mga alagang tigre ni chavit,syempre sasagutin ko:
1.) Ilalagay ko sa K (Kill) si Serena Williams!Bakit?Feeling ko kasi pag niyakap nya ako eh madudurog ang atay ko.Nakita mo na ba ang braso ni Serena??Syet pre,andaming cuts,gumuguhit talaga.Isa pa,parang na-iimagine ko na makaka-churvahan ko si Lebron James pag sya ang kinama ko.My gheeeed!Ipi-friendzone ko nalang sya.Magpapaturo nalang ako mag backhand sa tennis tapos laro nalang cguro kami ng xbox.
2.) Whew!Ang hirap ng pangalawa(pinag-isipan ko talaga to sa totoong buhay).Ilalagay ko nalang sa F (Fuck) si Madam Auring!Wala na kasi akong ibang choice,feeling ko sya talaga ang swak ilagay sa kategoryang to.Although nagdadalawang isip ako kng ilalagay ko sya sa M.
3.) Ito yung pinakamatindi.Yung M(Marry)!So obviously si Mommy Dionisia na ang ilalagay ko dito.Bukod kasi sa magaling syang mag ballroom eh madasalin din sya charot!Syempre sinu ba naman ang ayaw maging ka-pamilya ni Manny Pacquiao?Isa pa may world champion pedigree pards.Imaginine mo,lagi kang makakasama sa MGM grand arena tuwing may laban si pacquio!Pweding ikaw narin tiga hawak ng flag at belt niya sa ring at mapapanood kana sa HBO at Solar TV ng Live!Ngayon tatanungin nyu ako kng paano yung honeymoon namin ni Momy D??Eh hindi ko muna naiisip yun sa ngayon.Wala pa akong time.Busy ako lage.Sorry huh.
Matapos kng basahin ang lahat,hindi ko lubos maisip na nailagay ko si Madam Auring sa F.Pero ang hirap kasi eh.Mas madali pang mag solve ng problem sa calculus kesa maglaro ng KFM!!!Anung problema ko bilang tao?Bakit naisama ko si Serena Williams sa laro?Wala naman,kng yung PBA nga may import para maraming manood,sinama ko sya para may magbasa naman ng post ko,dagdag ratings.Duda ko nga minsan ako lang or mga2 or 3 lang nagbabasa ng mga post ko eh,yung iba nililike nalang for effort.. . lol!
Sunday, November 25, 2012
![]() |
Pili ka,isang anak na bading or isang anak na full pledge emo??? |
GENUINE EMO-Kung nanonood ka ng news sa tv at may pakialam ka kahit kunti sa bansa mo,malamang nabalitaan mo na tayo daw mga Pilipino at pinaka-emong tao sa mundo.Sa gallup survey na ginawa sa 150 bansa sa buong mundo nanguna ang Pilipinas sa listahan ng most emotional society.60% sa isang libong pinoy na sinurvey sa pagitan ng 2009 at 2011 ang sumagot ng "oo" sa mga tanong tulad ng "Oo o Hindi,…hindi ka ba naliligo??" joke lang eto talaga ang tanong "Kung ngumingiti or tumatawa daw ba sila kng nakaramdam ng pisikal na sakit,pag-alala,kalungkutan,stress at galit".Pero anu ba talaga ang emo?Kasama kaya ako sa mga emo?Simple lang naman ang definition ng emo or emotions.It means expressing what we feel.Pero sa kng paanong paraan cguro natin ito ine-express malamang dun lumamang ang mga pinoy kumpara sa ibang mga lahi.Mas vocal kasi tau at may tinatawag na sincerity ,which is not a bad thing.Naging subculture na nga daw natin itong pagiging emo.Meron netong 2 uri sa lipunan.Yung una,yung mga "self-proclaimed" emo.Kalimitan mga teenagers.Sila yung mga kalaban ng jejemon ,punkista at mga hip-hop na sumasamba kay Eminem.Minsan nagkalat sila sa mall or sa luneta.Usually kulay black ang motif nila,mula sa pananamit hanggang sa mga kuko sa paa.Mahilig din sila manood ng mga emo movies (yes im looking at you twilight!).Mapapansin mo din agad ang buhok nila na parang naka-super saiyan 3.In short pa-pampam sila kaya ganun ang arrive.Meron din daw silang tinatawag na suicidal tendency kaya may mga galos or hiwa sila sa kanilang kaliwang pulso.Pero kng titingnan mo maigi,mas malalim pa ang kalmot ng pusa kesa sa pag hiwa nila ng blade. Suggestion lang sa inyu mga brod, wag sa pulso,try nyu gilitan ang leeg nyu sureball yun charot!Yung pangalawa naman yung tinatawag na mga "genuine emo".Narito ang ilang mga bagay na ginagawa ng isang genuine emo:
1.) Mahilig mag status sa FB ng lahat ng kadramahan sa mundo.Yung feeling nila nag-iisa lang sila,walang kakampi at walang nagmamahal.Sa mga lalaking ganyan,isa lang masasabi ko dyan.Bakla ka brod!!
2.)Adik sa panonood ng mga telenobela.Nakaka-relate kasi sila lalo na yung mga gurls.Nangangarap na maging parang soap opera din ang lovelife nila.Tipong isang araw, bibili sila ng sardinas sa tindahan tapos may biglang nakatambay dun na nakasandong guy na kamukha ni coco martin at madadapa sila then bigla silang sasaluhin ng lalaking kamukha ni coco martin ,magtititigan,dahan-dahang maglalapat ang kanilang mga labi at boooom!pang-walang hanggan agad ang lovelife ng peg!ayos!
3.) Gumagawa ng eksena sa banyo habang nag sha-shower.Hahawakan ng 2 kamay ang ulo habang nakasandal sa pader tapos dahan-dahang uupo tsaka sasabhin ang mga linyang ito ng madiin " bakit mo nagawa sakin to?!tangina ka minahal kita pero bakeeeeeet…(then fade)".Pag-nakaupo na,iiyak ng tahimik,tutulo ang uhog habang nangangatal ang mga labi.Tapos pag kinatok ng nanay at tinanong ng ganito "Anak,anu bang ginagawa mo dyan at 2 oras ka ng naliligo?!” ganito ang isasagot " Nay tumatae lang po (hikbi)".Pakyu!tumatae daw!lol!
4.) Mahilig mag-emote pag nakakarinig ng love song.Ito yung mga taong bigla nalang matutulala at iiyak ng bongga pag narinig nila ang mga kanta ng bandang silent sanctuary at pusong bato.Maaalala ulit nila kng paano sila mag date dati ng ex bf nila sa Isetan tapos tatawagan ang bestfriend na babae at iiyak nanaman magdamag.Isa lang masasabi ko dyan.Move-on move-on din teh!!
5.) Mga babaing nangangarap na makatagpo din sila ng mapapangasawa na katulad kay Zoren Legaspi.85% ngayon sa populasyon ng mga kababaihan sa pilipinas ang nagdadasal na sana maging parang si zoren legaspi din ang bf nila.Unfortunately,98% sa kanila ang mabibigo.Seryoso lang,kng ako yung naging bf ni Carmina,hindi ko na paaabutin ng 12years yun para e-surprise ko sya ng kasal eh. 6months palang after nya akong sagutin,mag-po-propose ako sa gitna ng court at half time ng championship game between L.A Lakers at Miami Heat!Kaya gurls,wag kayong masyadong kiligin kay zoren,ampusang galang naman ooh kaya din namin yun!(panira lang ng trending)
After mong basahin at pangnilay-nilayan ang lahat ng to,alin ka dun sa dalawang kategorya?Isa ka bang self-proclaimed or isang genuine emo?Siguro yung iba dyan na in-denial eh hihiritan ako ng "Ulol!wala ako sa dalawang nabanggit mo!emo your pes!"..So kung hindi ka emo malamang jejemon ka!!Jejemonnnnn!!!!..hehe joke lang pards.Hindi masama maging emo.Isa itong magandang attitude dahil nakikiisa tau sa nararamdaman ng kapwa natin.Wag lang sosobra dahil ika nga na ang lahat ng bagay na sobra ay masama, tulad ng taba sa katawan at bilbil …(pakyu ka bilbil!!!)
Subscribe to:
Posts (Atom)